Bilib daw Erap - Pare, bilib ako sa bagong department store sa lugar namin. Mayor - Bakit mo naman nasabi? Erap - Pag di mo nagustuhan ang binili mo, ibabalik nila ang ibinayad mo. Mayor - Wala yan pare. Yung bagong hospital sa lugar namin pag di mo nagustuhan ang serbisyo ng doctor ibabalik nila ang sakit mo.
Pautang Mayor - Pare, pautang nman ng isang libo, babayaran ko pagdating ng misis ko galing America. Erap - Sure! Teka kelan ba ang dating ng misis mo? Mayor - Di ko pa alam. Nag-apply pa lang siya ng US immigrant visa kahapon.
Mas malaki Erap - Bakit mas malaki ang ambulance keysa jeep? Mayor - Kase ang jeep nakapagsasakay lang ng sampu-sampu, ang ambulance pwedeng magsakay ng 50-50.
May girlfriend na Erap - Pare, sa wakas nagka-girlfriend na rin ako! Mayor - Ha, sa tanda mong yan, ngayon ka lang nagka girlfried? Erap - Oo, sa higpit kase ng misis ko ngayon lang ako nakalusot.
More Pinoy jokes and Tagalog Dyoks here at GOVERNMENT.PH: