Agaw-buhay - naghihingalo; malapit o muntik ng mamatay
Agaw-buhay na ang biktima ng aksidente nang dumating sa ospital.
Balat-kayo - huwad, hindi totoo Balat-kayo lang ang kanyang ipinapakitang ugali.
Biglang-yaman - nagkamal ng limpak na salapi, yumaman nang biglaan Biglang-yaman si Cris nang tumama sa loto.
Bukas-palad - mapagbigay, galante Marami ang humihingi ng tulong sa kanya dahil siya ay bukas-palad.
Lumang tugtugin - lumang pag-uugali o kadahilanan; bagay na nakasanayan na dahil laging ginagawa. Lumang tugtugin na yan kaya wala ng maniniwala sa iyo.
Mababang-loob - madaling maawa Siya ang takbuhan ng kanyang mga kaibigan dahil sa kanyang mababang- loob.
Mababang-luha - madaling umiyak Ayaw kong manood ng pelikulang madrama dahil mababa ang luha ko.
Tanging-yaman - natatanging bagay na pinahahalagahan o ipinagmamalaki Ang iyong pinag-aralan ang tanging yaman mo.
Tawang-aso - tawang mapangutya; tawang hindi bukal sa loob. Tawang aso ang isinukli ni Damian sa mga pagbibiro ni Luis sa kanya.
Walang utang na loob - hindi marunong gumanti sa kabutihang tinamo. Si Matias ay walang utang na loob sa kanyang mga magulang kaya parang minamalas sa buhay.